Nutri bayle sa kalye binigyang kulay ang pagdiriwang Nutrition Month 2023 sa bayan ng Jose Panganiban

CAMARINES NORTE – Nagbigay kulay sa pagdiriwang ng National Nutrition Month Celebration 2023 ang Nutri Bayle sa Kalye sa bayan ng Jose Panganiban sa aisinagawang culminating activity sa pagsisimula ng buwan ng Agosto.

Sa natirang aktibidad ay tampok ang pagpapakita ng  iba’t-ibang mga Barangay sa kanilang galing sa pagsasayaw at pagiging malikhain.

Read More:  Seven people swept away by flash floods in Davao Occidental

Nasungkit ng Barangay Sta. Rosa Sur ang back to back championship para sa kanilang mahusay na nutri performance habang hindi nagpahuli ang mga tsikiting at ipinakita ang kanilang nakaka-aliw na pagtatanghal sa Nutri Bulilit Contest.

Bilang bahagi ng priority health programs ng LGU – Jose Panganiban, layon nito na palaganapin at pagtuunan ng pansin ang tama at wastong nutrisyon lalo na sa mga kabataan.

Read More:  13-year-old identified in Cebu school shooting threat

ibinahagi naman ng naturang LGU na ang selebrasyong ito ay hindi lamang tagisan ng talento kundi isang malikhaing paalala sa mga mamamayan ng Jose Panganiban na bigyang pansin ang kalusugan at tangkilikin ang masusustansyang pagkain tungo sa malusog na pamayanan.