Target ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na makapagbakuna ng limang milyong doses kada linggo para magamit ang monthly supply ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay NTF spokesperson Restituto Padilla, nananatili ang target number of vaccinations para maabot ng bansa ang herd immunity at maubos ang 20 hanggang 25 milyong suplay sa isang buwan.
Ito ay sa kabila ng mga reklamong mabagal ang proseso ng pagbabakuna sa bansa.
Aminado si Padilla na may kakulangan sa vaccinators sa ilang mga centers dahil nalilipat ang ilang health workers sa COVID-19 response dahil sa pagsipa ng COVID-19 cases.
Aniya, may ilang mga vaccination centers sa Metro Manila ang bumabagal ang inoculation dahil sa suspensyon ng walk-in inoculations na maaaring magdulot ng community transmission.