PhilHealth, hinold muna ang suspension ng claims payments sa mga ospital

Hinold muna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang circular na pansamantalang nagsususpinde sa pagbabayad ng claims sa mga ospital habang nagsasagawa ng dayalogo angahensya sa mga ito. 

Sa ilalim ng Circular No. 2021-0013 ng PhilHealth, nakasaad ang guidelines sa  Temporary Suspension of Payment Claims (TSPC) bilang preventive measure laban sa healthcare providers na iniimbestigahan. 

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sinabi sa circular na sinususpinde ang pagbabayad ng claims na subject sa imbestigasyon dahil sa fraudulent, unethical acts o abuse of authority. 

Pero sinabi ni PhilHealth spokesperson Shirley Domingo na nagsagawa na sila ng dayalogo kay Health Undersecretary Leopoldo Vega at sa mga ospital kaugnay ng delayed hospital payments, dahilan para suspendihin ang circular.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sa kabila ng apela ng ilang ospital na atrasado ang pagbabayad sa kanila ng PhilHealth, sinabi ni Domingo na di nila hino-hold ang kahit anong hospital claims simula nang pumutok ang pandemya. 

Mababatid na sinabi ng PhilHealth sa Houseinquiry na mayroon pa silang P21 bilyong claims na inihain ng mga ospital na di pa nila nababayaran.