Tutol si National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla sa pagbabasura sa mandatory requirement sa pagsusuot ng face shield, maliban sa face mask, at iginiit na masyado pang maaga para gawin ito.
Una nito, inanunsyo ni presidential spokesman Harry Roque ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagrerequire nalang sa face shields sa mga ospitals, ay maikokonsiderang polisiya.
Sa gitna nito, agad na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force kay Duterte na ituloy ang requirement na pagsusuot ng face shields sa enclosed spaces.
Ayon kay Padilla, ang pag-lift sa face shield policy ay magbibigay lang ng banta sa efforts ng gobyerno na pigilan ang pagkalat ng COVID-19, lalo’t hindi pa naabot ng bansa ang target para sa population protection.
Senegundahan rin nito ang pahayag ng ilang eksperto na hindi dapat ihambing ang Pilipinas sa Estados Unidos dahil ang EU ay nangangalahati na sa pagbabakuna kanilang populasyon. // MHEL PACIA-TRINIDAD