Nakiisa na rin si Vice President Leni Robredo sa listahan ng mga opisyal na nananawagan para sa deployment ng mas marami pang coronavirus vaccines sa mga local government units sa labas ng Metro Manila at walong iba pang priority areas.
Ito ay sa gitna na napapansin ng mga researchers ang patuloy na pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
Una nang hinimok ng ilang alkalde ang national government na taasan ang vaccine allocations sa ibang rehiyon na may mataas na infections.
Kaugnay nito, pinuna pa ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang umano’y hindi patas na pamamahagi ng suplay sa bansa.
Mababatid na sa ngayon, prayuridad ng gobyerno ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao sa kanilang immunization program, kung saan ito ang tinaguriang “economic centers” na highly vulnerable umano sa coronavirus. // MHEL PACIA-TRINDIDAD