Davao, muling nanguna sa listahan ng mga LGUs na may mataas na new COVID cases

Nagtala ng panibagong pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa Visayas at Mindanao, kung saan ang Davao City ay nanguna parin sa listahan ng mga local government units (LGUs) na may mataas na bilang ng bagong infection mula June 13 hanggang June 19.

Sa latest monitoring report ng OCTA research group, lumalabas na ang Davao City ay may average na 252 new cases per day — mas mataas kumpara sa unang linggo na 177.

Ang ibang LGUs sa listahan ay kinabibilangan ng Bacolod City sa 131 average cases (149 mula sa naunang linggo); Iloilo City sa 122 (113 the previous week); Cagayan de Oro City sa 94 cases (106 the previous week) at Zamboanga City sa 64 cases (60 mula sa previous week).

Ayon sa OCTA, nasa kritikal rin ang utilization rate sa intensive care unit (ICU) sa Davao City sa 95 percent, habang sa Bacolod City, ay nasa 100 percent ang ICU utilization rate at 83% naman sa Cagayan de Oro.

Samantala, ang ibang “priority regions” na may mataas hanggang sa critical risk ang ICU utilization ay ang Baguio City sa 77 percent; General Santos City sa 86 percent; Tagum sa 85 percent; Koronadal, South Cotabato sa 100 percent; San Pablo, Laguna sa 86 percent; Tuguegarao sa 98 percent; Cotabato sa 94; Bacoor sa 100 percent; Tagbilaran sa 81 at Naga City sa Camarines Sur sa 85 percent. // MHEL PACIA-TRINIDAD