NTF-ELCAC hindi bubuwagin ayon kay Pangulong Marcos

Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na hindi bubuwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Ayon sa Pangulo, wala syang nakikitang dahilan para tanggalin ito.

Dahil hindi naman anya ang gobyerno ang gumagawa ng red-tagging, kundi kung sino-sino lang.

Sinabi pa ng Pangulo na nabawasan ng malaki ang internal security threat sa bansa, dahil sa ginagawang pagtulong ng NTF-ELCAC sa mga dating lumalaban sa pamahalaan.

Sa ngayon, kailangan pa raw ang NTF-ELCAC dahil meron pang mga barangay sa bansa na hindi pa nabibigyan ng tulong ang mga sumukong rebelde.

Tatanggalin lang daw ang NTF-ELCAC kung malinis na ang lahat ng barangay sa bansa at kung hindi na sila kailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *