Naga City Mayor Legacion at Ex- Mayor Bongat, kinasuhan sa Ombudsman

NAGA CITY- Kinasuhan sa Ombudsman si Naga City Mayor Nelson Legacion at former Mayor John Bongat ukol sa Lease Agreement sa pagitan ng Lokal na pamahalaan at Lumver Consolidated Complex Development Corp.

Isinampa ito nina Romeo Enrile at Pio Pederio, Jr sa paglabag umano sa  Rep. Act No. 3019, o ang “Anti-Graft and Corrupt Practices Act”. Ayon sa naipasang resolusyon noong 2015/ napayagan ang alkalde noon na si Bongat na maghanap o makipag negotiate/ sa pagparenta o sa pagamit ng parte ng sakop ng Bicol Central Station.

Read More:  Two 11-year-old boys die after electrocution while gathering santol fruits for school activity in Sarangani

Bakante aniya noon ang property ng lungsod at walang ginastos sa development nito. Si Legacion ay bise Alkalde noong 2015 pero hindi aniya siya ang presiding officer ng maipasa ang resolusyon.

Read More:  Mayor seeks MGB probe into orange floodwater in Davao Oriental

Aminado naman ang opisyal na dahil sa mga isyung sinasagot at kinahaharap nababawasan ang oras niya/ sa iba pang mga trabaho.