Mahigit dalawang libong inactive voters, binura na ng COMELEC Goa

CAMARINES SUR — Binura na sa listahan ng Commission on Election Goa ang nasa mahigit dalawang libong botante dahil sa hindi pagboto nito ng dalawang magkakasunod na halalan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dionisio Miguel, ang Election Officer ng COMELEC Goa, nakaapekto ang pagkakabura ng mga inactive voters sa pagbaba ng bilang ng mga botante sa nasabing bayan subalit aniya’y maaari pa naman silang mag-reactivate ng kanilang registration upang makapagboto muli sa 2025 Midterm Election.

Sa ngayon, bagaman mangilan-ngilan pa ang lamang ang napaparehistro, nagpapatuloy naman ang on-site at satellite registration sa mga Barangay, at mayroon nang nasa kabuoang 633 na bagong botanteng naidagdag sa listahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *