Hindi awtorisadong pag-angkat ng baboy sa kalapit na bayan ng Sagñay, Camarines Sur, mahigpit nang ipinagbabawal

CAMARINES SUR — Mahigpit na ipinagbabawal ngayon ang pag-aangkat ng mga hindi awtorisadong baboy sa kalapit na bayan ng Sagñay, Camarines Sur dahil pa rin sa positibong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy sa Tiwi, Albay.

Ayon kay Mayor Jovi Fuentebella, bagaman negatibo naman sa nasabing bayan sa ASF, ang sinumang papasok sa mga boarder na may dalang baboy ay kinakailangang magpakita ng mga dokumento tulad ng certificate of origin nito. Pinapayuhan na rin ng alkalde ang mga hog raisers na may planong maglabas ng mga buhay na baboy at meat products na kumuha na rin ng sertipikasyon sa Department of Agriculture bilang patunay na galing ang mga ito sa isang ASF Free Municipality.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan at konsultasyon ng lokal na pamahalaan ng Sagñay at Municipal Agricultures Office sa mga kalapit na bayan at maging sa mga hog farmer upang maiwasan ang pagpasok ng ASF sa nasabing bayan. Pagdating naman sa supply ng meat products at buhay na baboy, hindi pa masabi ng mga awtoridad kung apektado na ito ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *