Hinamon ng National National Security Council (NSC) ang China na buksan ang Bajo de Masinloc sa isang international inspection o kumuha ng 3rd-party inspectors upang makita ang totoong sitwasyon sa pinagtatalunang lugar.
Ito’y kasunod ng pagtanggi ng China na sinisira nila ang maritime environment doon.
Sa mga larawang ipinakita ng Philippine Coast Guard (PCG) simula 2016, makikita rito ang mga mangingisdang Chinese na nagta-transport umano ng maraming protected marine species, kabilang ang giant clams, pawikan, puffer fish, stingray, at iba pa.
Binigyang-diin ni Jonathan Malaya, na ang mga aktibidad na ito ay lumalabag sa Convention on International Trade in Endangered Species, o CITES.
Dagdag pa ni Malaya, ang panawagang ito ay naglalayong tiyakin ang transparency at protektahan ang karagatan at ang kapaligiran ng naturang isla.
MATIBAY ANG EBIDENSYA*HEADING
‘Clear and convincing’ umano ang ebidensya ng PCG na China ang may dahilan ng environmental distruction sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Ayon kay NSC spokesperson Jonathan Malaya, simula noong 2016 ay na-monitor na ng PCG ang mga mangingisdang Chinese na nagta-transport ng maraming giant clams, sea turtles, puffer fishes, stingrays, topshells, eels, at iba pang marine animals.
Sinabi rin nito na napag-alaman ng Tribunal na batid ng China na ang mga mangingisda nito ay nangunguha ng mga endangered na lamang dagat.
Ang pahayag ni Malaya ay kasunod ng pagtanggi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin sa alegasyong sangkot ang China sa pagkasira ng Bajo de Masinloc.
Sinabi kasi ni Wang na kung may nakikitang environmental degradation sa naturang katubigan, Pilipinas ang dapat mag-reflect sa sarili nitong behavior imbis na sisihin ang China.