‘Sorry boss, I failed to win the war for you’
‘yan ang mensahe ni Senador Ronald Bato Dela Rosa kay dating Senate President Migz Zubiri matapos ang pagbitiw ni Zubiri sa pwesto kahapon.
Anya, tulad ni Zubiri, na-heartbroken din siya sa mga nangyari lalo na’t mahal na mahal umano niya ito bilang kaibigan.
Alinsunod nito, naiyak daw siya kahapon dahil nahihiya siya rito pagkatapos niyang pumirma bilang panglabinglima sa resolusyong sumusuporta sa senate presidency ni Senador Chiz Escudero.
Kwento niya, noong una ay balak naman talaga niyang mag-abstain sa pagboto ngunit may covenant silang tatlo ni Senador Christopher ‘Bong’ Go at Senador Francis Tolentino na ‘majority wins’.
Dagdag pa niya, pinakaisipan naman din niya ang pagdedesisyon dito at hiningi niya ang tulong at gabay ng espiritu santo.
Maalala, sa speech kahapon ni Zubiri ay pinasalamatan niya si Dela Rosa dahil sa loyalty nito.