NPA na most wanted ng Bicol, arestado sa Cavite

Arestado sa Cavite ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na tinaguriang most wanted person sa Bicol.

Sa pinagsanib na puwersa ng PRO5 at NBI-Cavite, nahuli si Rey Cueva alias Ka Boklan/Jimbo.

Naaresto ito sa manhunt operation ng mga operatiba sa Brgy Estana Amaya 1, Tanza, Cavite.

Si Cueva ay tubong Sitio Kabikuhan, Brgy Luna, Placer, Masbate at matagal nang nagtatago sa Cavite.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aktibong miyembro ito ng Luding Tulingin na pinamumunuan ni Ka Dadi/ Ka Hernan, Commanding Officer ng Platoon 1, Larangan 2, Komite ng Probinsya 4, Bicol Regional Party Committee (BRPC).

Kabilang din si Cueva sa Special Partisan Unit (SPARU) ng NPA na nagsasagawa ng mga high-profile assassination mission laban sa mga empleyado ng gobyerno at mga inosenteng sibilyan partikular sa 3rd District ng Masbate sa ilalim ng squad ni Reynaldo Mollejon o ‘Ka RM.’

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

May dalawang standing warrant of arrest ito para sa pagpatay  noong Marso 14, 2022 at para sa paglabag sa RA 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020 na parehong walang inirekomendang piyansa.

Nasa kustudiya na ito ngayon ng PRO5 para harapin ang mga kaso laban sa kanya.