DTI-Masbate, nagsagawa ng price monitoring bago ang pagsalubong ng Bagong Taon

Tatlong araw bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon, nagsagawa ng price monitoring sa paligid ng munisipyo ng San Jacinto, Masbate ang LGU Price Monitoring Team at ang DTI Masbate representative upang masigurong nasusunod ang suggested retail price (SRP) ng mga bilihin.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ayon sa monitoring team, nakatanggap umano sila ng ulat na ang mga basic at essential commodities tulad ng gasoline, market products, grocery stocks, atbp. Ay may pagtaas ng presyo dala ng mababang supply dahil sa kamakailang gale warning advisories sa isla.

Pinayuhan ng team ang mga business establishments at sari-sari stores na panatilihin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa makatwirang presyo.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Pinayuhan din ang publiko na huwag mag-panic buying para hindi mapakinabangan ng mga negosyante ang sitwasyon sa munisipyo.