NPA, muli na namang umatake sa Masbate; nagpapatrolyang mga pulis, inambus

Wala pang isang linggo nang bumisita si VP at Education Secretary Sara Duterte sa Masbate, ay muli na namang umatake ang rebeldeng grupong NPA sa Pio V Corpus, Masbate.

Sa naantalang ulat ng Masbate Police Prov’l Office, nagpapatrolya umano ang ilang personahe ng Pio V Corpus Police at 2PMFC sa Sitio Gaway-gaway sa Brgy Calong-ongan nang bigla silang paputukan ng aabot sa 10 rebelde.

Tumagal ng 10 minuto ang palitan ng putok at wala namang naiulat na sugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan, ngunit naniniwala ang mga pulis na posibleng may sugatan sa mga tumakas na rebelde.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Una rito, ang mga rebelde ay nai-report sa PNP na nagsasagawa ng iligal na aktibidad sa nabanggit na lugar para sa paghahanda sa ika-50th anibersaryo ng NDF.

Nabatid na balak magtanim ng bomba sa gilid ng kalsada ang mga rebelde para maghasik ng takot sa komunidad subalit nabulilyaso ang plano, sa pagdating ng mga rumespondeng pulis.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang itim na belt bag na naglalaman ng isang kalibre 45 na pistola na may serial number, 3 magazine at 22 pirasong bala lahat para sa nasabing kalibre ng baril, dalawang cellphone, 2 handheld radio, itim na wallet na may lamang P10, 400.00 cash, tatlong basyo ng bala para sa M203, 4 na bala at 12 pirasong basyo ng bala para sa M16, isang pares ng combat shoes, isang rolyo ng detonating wire at isang IED.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Muling inilagay sa high alert status ang Pulisya ng Pio V Corpus matapos ang engkwentro kung saan wala na sa kabundukan ang labanan, bagkus malapit na sa kabahayan at eskwelahan na nagbibigay takot sa mga mamamayan.