Mahigit 5K na Marijuana nasabat sa checkpoint; driver tiklo

Sinampahan na kahapon, Abril 26 ng kasong paglabag sa Ra 9165 o possession of illegal drugs ang 26-anyos na butcher matapos na makuhanan ng 46 na gramo ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa bayan ng Bulusan, Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Ray Dionsay Felismino, residente ng Brgy Cogon, Gubat, Sorsogon.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, nakatanggap umano ng impormasyon ang Bulusan Police na may dadaan na isang motorsiklo na walang plate number, galing ng Irosin at papuntang bayan ng Gubat at may dalang iligal na droga.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Agad na naglatag ng checkpoint ang Bulusan Police at nasabat nga nila sa  Brgy Poctol ang nasabing suspek lulan ng motorsiklong walang rehistro, wala ring lisensya ang driver at walang helmet.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nang buksan ang U-box ay dito na nakita ang iligal na droga na nakalagay sa Tupperware, hinati sa 6 na balot sa plastic at packaging tape na kulay brown.

Ayon sa imbestigador ng Bulusan Police, ang Marijuana na tumitimbang ng 46 gramo ay nagkakahalaga ng P5,520.00.

PHOTO: Apo Hapa