Rider na may pinsala ang temporary plate, pumalag matapos matiketan na “no-plate”

Humingi ng paliwanag sa City Traffic Management Office (CTMO) ang isang motorista matapos siyang tiketan ng traffic enforcer sa Barangay Irawan na “no-plate” sa kanyang motorsiklo.

Ayon kay Eligio Sarabia Jr. nitong Miyerkoles ay ipinagtaka niya kung bakit siya tiniketan ng enforcer gayung mayroon siyang plaka kahit na ito ay may kunting pinsala o tapyas.

Ipinagdiinan nito sa programang Tira Brigada na ang mayroon siyang drivers’ license at kompleto ang papeles ng kanyang Suzuki motorcycle na apat na taon na sa kanya.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Updated rin daw ang rehistro ng kanyang motorsiklo subalit hanggang ngayon ay temporary plate pa rin ito dahil wala pang binibigay ang Land Transportation Office (LTO).

Sa kaugnay na balita,

Nagpaliwanag ang City Traffic Management Office sa naging traffic violation ng rider na si  Eligio Sarabia Jr.

Ayon kay CTMO Traffic Officer Allan Mabella, kulang na ang mga detalye sa plaka ng rider kaya tiniketan ito ng enforcer alinsunod sa City Ordinance 714 o “ No Plate- No travel Policy”.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ilalim ng ordinansa, bawal ang plaka na may pinsala o sira at kung hindi na nababasa ang mga numbero at letrang nakalagay rito.

Pinayuhan ni Mabella ang rider na ipaayos muna ang temporary plate nito bago ito mabigyan ng konsiderasyon matapos matiketan.

Samantala, ipinapaalala ng opisyal sa mga motorista na ingatan ang mga plaka ng sasakyan kahit na ito ay temporary plate pa lamang.