Nag-isyu na ang Sorsogon City Water District Board (SCWD) ng ‘Notice of Intention to Pre-Terminate” ng kanilang “Joint Venture Agreement’ (JVA) sa Primewater Infrastructure (PWI) Corp.
Ang nasabing desisyon ay pormal na inaprubahan sa pamamagitan ng SCWD Resolution No. 14-2023 na ipinasa ng mga Board of Director nito sa kanilang Board Meeting noong September 15.
Kasunod ito ng pagtatapos ng one-year catch up period na ibinigay ng SCWD Board of Directors (BOD) sa Primewater-Sorsogon City noong August 31 upang tapusin ang apat na major projects na nakapaloob sa one-year catch-up plan.
Ang hakbang na ito ng SCWD BOD ay batay sa Section 12.1 ng Joint Venture Agreement o ang ‘Pre-termination By SCWD for Primewater Event of Default’, kun saan maaaring mag-isyu ang SCWD ng Notice of Intention to Pre-terminate dahil sa pagkakaroon ng material breach ng Primewater sa mga service obligation nito na hindi naayos sa loob ng ibinigay na 60 araw na extension period.
Mayroon namang 90 araw ang Primewater upang magbigay ng kaukulang aksyon o sulosyon kung ang nasabing Joint Venture Agreement ay ipagpapatuloy pa o ito’y i-teterminate na.
