Pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na maghigpit sa pangingisda para matigil na ang overfishing.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng higit 11% ang fish production sa bansa sa 2nd quarter ng 2023 kumpara sa nakaraang taon.
Ayon kay Pangulong Marcos, nasira na ang mga fishing ponds kung saan pinalalaki ang mga isda at ito ang planong bantayan ng pamahalaan.
Samantala, tutol ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa fishing ban dahil apektado ang maliit na mangingisda gayung sila ang lamang ang huhulihin; hindi ang mga malalaking commercial vessel.