Mga rally para sa 51st anniv ng Martial Law declaration – kasado na

Magsasagawa ng kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio ang iba’t-ibang grupo kasabay ng paggunita ng ika-51 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ngayong araw.

Sa isang post sa Facebook page ng Bantayog ng mga Bayani Foundation Inc., sinabi ng iba’t ibang sektor at organisasyon na ang kanilang ikakasang kilos protesta mamayang alas dos ng hapon ay may temang “Paggunita at Paglaban.”

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Kabilang sa inaasahang mangunguna sa rally sina dating 2022 presidential candidate Leody de Guzman at aktibistang si Satur Ocampo.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Ginunita ng mga historians at rights advocate sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang pagdedeklara ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa buong bansa noong Sept. 21, 1972.

Tumagal hanggang January 17, 1981 ang batas militar sa Pilipinas pero tumagal sa pwesto si Marcos hanggang 1986.