Ipinaalala ng Department of Labor and Employment na hindi makakatanggap ng sahod ang mga empelyado na magdedesisyong mag-holiday ngayong araw kaysa mag-report sa trabaho.
Sa isang advisory, ay sinabi ng ahensya na ia-apply ang prinsipyo ng “no work, no pay” ngayong November 1, na naideklara bilang special non-working holiday.
Pero ayon sa DOLE, maliban na lang ito para sa mga kompanya na may polisiya, practice, o collective bargaining agreement (CBA) kung saan ay napagkasunduan ang pagbabayad ng sweldo sa isang special day.
Ipinaalala naman ng ahensya sa employers na sumunod sa legal na obligasyon nito na magbigay ng nararapat na sweldo sa kanilang mga empleyado, lalo na sa mga magta-trabaho sa panahon ng holidays.
Sa ilalim ng batas ay makakatanggap ang mga empelyado na magre-report ngayong araw ng karagdagang sahod na katumbas ng 30% ng basic pay sa kanilang unang walong oras ng trabaho.
