Mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine ang isang lungsod at anim na bayan sa La Union habang nalagay naman ang 14 na iba pang munisipalidad ng lalawigan sa modified general community quarantine.
Magsisimula ito ngayong araw November 1 at magtatagal hanggang November 15.
Sa inisyu na Executive Order 52 ni Governor Francisco Emmanuel Ortega III ay napalawig ang GCQ sa lungsod ng San Fernando at sa mga bayan ng Aringay, Bacnotan, Bauang, Burgos, at San Gabriel.
Pinaluwag naman ng kautusan ang quarantine restrictions sa Agoo, Bagulin, Balaoan, Bangar, Caba, Luna, Naguilian, Pugo, Rosario, San Juan, Santo Tomas, Santol, Sudipen, at Tubao.
