Nanindigan ang Department of Education na hindi maituturing na diskrimasyon ang pag-obliga sa mga guro na dadalo sa face-to-face classes na magpabakuna kontra COVID-19.
Paliwanag ng DepEd ang naturang polisiya ay may kaugnayan sa ipinapatupad na health safety protocols ng pamahalaan nag-rerequire ng vaccination o negative swab test results sa mga trabahador na nagtratrabaho on site.
Ginagawa umano ito upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga paaralan at opisina ng DepEd upang maprotektahan ang mga estudyante, guro, mga empleyado at iba pa.
Nilinaw din ng kagawaran ng edukasyon na mananatili sa kanilang trabaho at makakatanggap ng sweldo ang mga unvaccinated teachers at hindi ito tatanggalin dahil lang sa pagiging hindi bakunado.