No Vaccination, No Entry policy ipinatutupad sa General Santos City Airport

KORONADAL CITY- EPEKTIBO na ang ipinatutupad na “No Vaccination Card, No Entry Policy” ng pamunuan ng General Santos City International Airport.

Ito ay batay sa ipinalabas na airport memorandum no.001-2022 ni Airport Manager Joel Gavina noong Martes.

Ang pagpapatupad ng naturang polisiya ay dahil sa alarming cases ng bagong variant ng COVID 19 na posibleng makaapekto sa operasyon ng General Santos City Airport.

Read More:  NPA member killed in Occidental Mindoro clash as troops recover rifle

Dahil dito, ang mga pasahero, visitors at guests at iba pang kliyente ay kailangang magpresenta ng kanilang vaccination card o vaccination certificate sa lahat ng access gates.

Samantala, ang mga unvaccinated at partially vaccinated naman ay kailang magpresenta ng negative RT-PCR test result na kinuha 72 hours bago ang arrival.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ang mga dumarating na pasahaero sa General Santos City airport at tutungo sa ibang lungsod at rehiyon ay kailangang magparehistro sa S-Pass application upang matulungan sila sa kanilang pagbiyahe sa mga lugar na may travel restrictions.

Pinagbabawal naman ang mga batang may edad 12-anyos pababa sa loob ng airport maliban lamang kung ito ay pasahaero ng eroplano.