Kaso ng Covid-19 sa Koronadal muli na namang umakyat pagkatapos ng holiday season

KORONADAL CITY – MULI na namang umakyat ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Koronadal matapos ang holiday season mula Disyembre 23, 2021 hanggang Enero 9, 2022 na naglalaro lamang sa 4 hanggang 9 na kaso .

Ito ay batay sa Data Monitoring Center kung saan mula Enero 10 hanggang Enero 12 ay pumalo sa 18 hanggang 21 na ang aktibong kaso ng nasabing karamdaman.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Ang Brgy. Zone III naman ang nagtala ng pinakamaraming aktibong kaso na umabot sa 11 na sinundan naman ng Brgy. Sta. Cruz na may 3, Brgy. Sto. Niño at Namnama na may tig-2, at Topland, San Jose, Caloocan na may tig-1 kaso.

Sa ngayon ay umabot na sa 6,352 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Koronadal at 6,079 ang recoveries at 252 ang Covid-19 related deaths.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Mayroon namang 23 ang kabuuang pending RT-PCR Results na kinabibilangan ng Zone III na may 7, Sto. Niño, 5, Paraiso, 3, GPS at Carpenter Hill na may tig- 2, at Sta.Cruz, Saravia, San Roque, at Morales na may tig-1 pending RT-PCR test result.