Transport sector naghahanda na sa implementasyon ng ‘No Vax, No Ride’ policy

Pinaghahandaan na ng iba’t-ibang transport group ang pagsunod sa kautusan ng Department of Transportation sa No Vax/No Policy na magsisimula sa darating ng Lunes.

Ayon kay Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines o FEJODAP National President Boy Rebaño mahigpit silang tatalima sa naturang polisiya.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sinabi ni Rebaño na magtatalaga sila ng mga barker at taong magbabantay sa mga terminal para icheck ang mga vaccination cards.

Maliban sa mga pasahero pinaalahahanan din ni Rebaño sa mga drivers na tiyakin sila ay mga fully vaccinated din bago bumayahe.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Magugunitang kahapon naglabas ng Department order ang DOTr na nagbabawal sa mga unvaccinated individuals na sumakay sa mga pampublikong transportasyon hanga’t nanatili sa alert level 3 ang Metro Manila.