No Sail policy sa lalawigan ng Camarines Norte lifted na

CAMARINES NORTE- Lifted na ang No Sail Policy sa lalawigan ng Camarines Norte simula Miyerkules ng hapon.

Kasunod yan ng inilabas na Sea Travel Advisory ng Philippine Coast Guard matapos na alisin na rin ng Pagasa ang Tropical Cylone Warning Signal dahil sa bagyong Jolina.

Nangangahulugan ito na maaari nang pumalaot ang mga bangka.

Mababatid na bago magtanghali kahapon ay wala nang mga nararanasang pag ulan sa lalawigan bagamat maulap pa rin ang papawirin.

Wala ring naitalang pinsalang iniwan ang bagyong Jolina na nagdulot lang ng mahihina hanggang sa kung minsan ay malalakas na pag ulan.

Bukod dito, wala ring naiatalang evacuees sa kasagsagan ng bagyo.

Nauna na ring sinabi ng Pagasa na simula ngayong buwan ay asahan na ang madalas na pag ulan lalo’t iiral na ang amihan.

Kaya naman kahit walang nakataas na Tropical Cylone Warning Signal ay palaging pinapaalalahanan ang mga mangingisda na mag ingat sa kanilang pagpalaot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *