“No clearance, no travel policy” ipinatutupad ngayon sa bayan ng San Miguel, Catanduanes

BNFM BICOL—Kaugnay pa rin ng pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine sa buong lalawigan ng Catanduanes, kasalukuyang ipinapatupad ngayon ng lokal na pamahalaan sa bayan ng San Miguel ang ‘No clearance, no travel policy.”

Batay sa Executive Order No. 36 series of 2021 na ibinaba ni San Miguel Mayor Francisco T. Camano, kinakailangan ng mga biyahero sa nasabing bayan na kumuha ng clearance mula sakanilang mga respetibong barangay bago pahintulutang makasakay sa mga public transportation vehicles.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Limitado lang din ang pag biyahe para sa mga essential travelers habang isang pasahero lamang ang dapat na isakay ng bawat traysikel.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Para naman sa mga motorsiklo, kinakailangan rin ng mga itong mag secure ng clearance mula sa barangay upang pahintulutan ang backride habang kapareho din ang ipinapasunod na protocol para sa mga nagmamay-ari ng pribadong sasasakyan.###