NKTI, hindi susunod sa pinaikling quarantine period para sa healthcare workers

Inihayag ng isang opisyal ng National Kidney and Transplant Institute na kailangan pa rin ng kanilang healthcare workers na infected ng COVID-19 na mag-quarantine ng minimum na pitong araw upang maprotektahan ang most vulnerable patients ng ospital.

Sinabi ito ni NKTI executive director Dr. Rose Marie Rosete-Liquete matapos aprubahan ng gobyerno ang pinaikling isolation at quarantine periods para sa mga fully vaccinated health workers na na tinamaan o na-expose sa COVID-19.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ayon kay Rosete-Liquete, hindi nila sinusunod ang limang araw na quarantine para na rin sa mga pasyente nila na immunocompromised.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ipinunto ng opisyal na hindi rin sila papayag na makalabas ng quarantine ang kanilang healthcare workers kung hindi ito magpapa-swab matapos ang pitong araw.

Ibinahagi ni Rosete-Liquete na umabot sa 531 na healthcare workers ng NKTI ang nagpositibo sa COVID-19 mula noong umpisa ng January.