Tripulanteng Pinoy, at 10 crewmen ng na-hijack na UAE vessel, buhay pa – DFA

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na buhay pa ang tripulanteng Pinoy at 10 iba pang crew ng na United Arab Emirates-flagged vessel na na-hijack ng

mga rebeldeng Huthi.

Ayon sa DFA, nagpapatuloy pa ang negosasyon para sa paglaya ng mga tripulante.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Iginiit ni DFA spokesman Ed Meñez na base sa pagkakaalam niya ay nasa maayos ang lagay ng crewmembers.

Base sa report ng international media, ay sinabi ng mga rebelde na nagawa nitong makuha ang kontrol sa Rwabee sa dagat na sakop ng Yemen.

Read More:  Pangilinan investigates alleged abuse of the Sagip Saka Law

Nag-release rin ang Iranian-backed rebels ng video kung saan ay makikita ang mga military equipment na nasa barko.

Napa-ulat na pito sa crew ng Rwabee ay Indian, habang ang iba naman ay mula Ethiopia, Indonesia, Myanmar, at Pilipinas.