Mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown, umabot na sa 206

Mula sa 170 ay umakyat na sa 206 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown dahil sa matataas na kaso ng COVID-19.

Ayon sa Philippine National Police, 103 sa mga lugar ay naiulat sa National Capital Region, 57 ay mula sa Cagayan, 32 ay mula Calabarzon, lima mula sa Mimaropa, at isa sa Cordillera.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Tinatayang nasa 866 na katao naman ang apektado sa mga lugar na naka-lockdown.

Para naman matiyak ang seguridad at pagsunod sa minimum health standards sa mga lugar na naka-lockdown ay nag-deploy ang PNP ng 291 na personnel at 326 na force multipliers.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Mababatid na maaring ma-implementa ang granular lockdowns sa mga bahay, compound, kalsada, o building na may matataas na kaso ng COVID-19.