Go hinimok ang publiko na protektahan ang kasagraduhan ng balota sa darating na halalan

Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa milyun-milyong Pilipinong boboto sa darating na pambansa at lokal na halalan na protektahan ang kasagraduhan ng balota.

Magagawa umano ito ayon kay Go sa pamamagitan ng paninindigan at pagboto gamit ang konsensiya laban sa mga walang prinsipyong kandidato na pumipilit sa mga botante o nagtatangkang bilhin ang kanilang mga boto.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon kay Go hindi dapat magpadala sa pananakot at panunuhol ang mga botante para lang iboto ang mga lider na hindi nito gusto at sariling interes lamang ang iniisip.

Inulit ng senador ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa maayos, patas at kapani-paniwalang halalan upang matiyak na ang resulta ng botohan ay tunay na sumasalamin sa kagustuhan ng mamamayang Pilipino.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Samantala, tiniyak naman ni Go na kahit nalalapit na ang eleksyon, nananatiling prayoridad niya bilang public servant ang pagtulong sa mga nahihirapang Pilipino sa buong bansa.