Dating Cong. Erice: may 2 violation ang Comelec sa procurement process

Naging matibay si dating Cong. Egay Erice sa naging desisyon nito na maghain ng temporary restraining order (TRO) para sa kasunduang nilagdaan ng Commission on Elections at Miru System.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Erice, iginiit nito na may hindi nasunod ang Comelec sa procurement process.

Pinag-aralan umano niya itong mabuti, at napag-alaman niyang may dalawang legal violation na nilabag ang poll body sa pag-grant ng kontrata sa Miru.

Binigyang-diin din ng dating mambabatas na walang experience ang Miru sa Philippine setting, at nagkaroon din ng mga problema sa ibang eleksyon dahil sa naturang kumpanya.

Matatandaang sinabi ni Erice na malalagay sa panganib ang eleksyon sa bansa sa sandaling ituloy ang kontrata sa Miru System.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *