New Year mess sa CAAP – ‘unforgivable’ ayon kay SP Zubiri

Nanindigan si Senate President Migz Zubiri na ‘unforgivable’ ang nangyaring New Year crisis sa mga paliparan, ‘o ‘yung naranasang aberya sa air traffic system sa Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP).

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum, sinabi ni Zubiri na hihimaying mabuti ng mga Senador ang isyung ito sa oras na ikasa na ang imbestigasyon ng Senate Committee on Pubic Services bukas.

Ayon sa mambabatas, nakakahiya raw kasi na bukang bibig ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang mga foreign trips ang pag-iimbita sa mga banyagang bumisita sa Pilipinas.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Paano nga raw ito maisasakatuparan kung ang mismong paliparan ng bansa ay nakararanas ng ganitong mga aberya.

Aniya, maka-ilang beses pa lang daw nagkaroon ng air traffic system failure sa buong mundo at nagtatagal lamang ng hanggang sa dalawang oras – higit itong maikli sa naranasang CAAP glitch na umabot ng halos kalahating araw.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Nanindigan din si Zubiri na isa itong national security concern lalo na’t nalaman daw ng mga kalaban na iisang switch lang pala ang kailangan nilang galawin para mapilay na ang buong airspace ng bansa.

Samantala, imumungkahi raw ng senador na magkaroon din ng sariling back-up system ang Philippine Air Force, ‘o ‘di kaya nama’y pagtitiyak na sakali mang magka-aberya sa mga paliparan sa Luzon, hindi nito maaapektuhan ang mga airports sa Visayas at sa Mindanao.
#