Negative antigen test result sa mga hindi bakunado laban sa COVID-19 mananatiling requirements sa mga sasakay ng pampasaherong bus

CAMARINES NORTE- Kinumpirma ng Superlines Bus Company sa pamamagitan ng kanilang Facebook page ang pagrerequire pa rin ng negatibong antigen test result sa lahat ng mga sasakay na pasahero na hindi pa rin bakunado

Ito ay bilang tugon sa mga ipinaabot sa kanilang katanungan matapos na isailalm sa alert level 1 ang Metro Manila

May kaugnayan rin ito sa pagluluwag ng mga restrictions sa Camarines Norte sa pamamagitan ng Executive order na ipinalabas ng Gobernador

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Ayon sa pamunuan ng naturang Bus company, umiiral pa rin ang panuntunan kung saan kailangan ang Valid ID at negative antigen test result gayundin sa ma 11 taong gulang na bata pababa

Kung fully vaccinated naman ay kailangan lang magpresenta ng vaccination card

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Nilinaw rin nito na Kung ang vaccine na ginamit ay 2 shots at ang nakuha pa lang ay first dose, magpi-presenta pa rin ng negative antigen test.

Gayundin  sa mga  2nd dose na wala pang 15 days ang nakalipas matapos na mabakunahan 

Sa mga batang edad 10 taong gulang pababa inabisuhan na kailangang magdala ng kanilang  Birth Certificate