Municipal Building ng LGU Capalonga ginawaran na ng Safety Seal Certification ng DILG

CAMARINES NORTE- Ginawaran na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Safety Seal Certification ang Municipal building ng Capalonga, Camarines Norte makaraang makapasa sa mga barometro.

Mismong si DILG Provincial Director, Rey Caceres ang nagawad ng safety seal certification sa naturang LGU na personal na tinanggap ni Mayor Luz Ricasio.

Ang nasabing sertipikasyon ay katunayan na ligtas ang mga empleyado at ang mga taong nagtutungo sa gusaling pampamahalaan lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang Safety Seal program ay inter-agency effort ng DILG, Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (DOT), at Department of Labor and Employment (DOLE) na naggagawad sa mga establishments ng Safety Seal na nagpapakita na ang isang gusali o establishment ay sumusunod sa health protocols kontra COVID-19.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Upang makatanggap ng Safety Seal ang pribado man o pampublikong establisymento kinakailangan itong makapasa sa eligibility requirements susog sa ipinapatupad na Minimum Public Health Standards ng IATF at national government.

(photo courtesy of NEW LGU Capalonga)