NEDA: Mapipigilan ang P11T na productivity losses sa resumption ng physical classes

Inihayag ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na ang pagbabalik ng face-to-face learning, matapos na luwagan na ang restriction sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa, ay inaasahang pipigil na malugi ng trillions of pesos na productivity.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ayon kay Chua, nalugi ang bansa ng nasa P22 trillion sa nakalipas na dalawang taon na walang physical classes o P11 trillion kada taon.

Dahil dito, kailangan umano itong mabawi para hindi maaapektuhan ang kinabukasan ng mga bata.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Dagdag ng NEDA chief na ang pagresume ng face-to-face classes ay magpapaganda sa learning outcomes ng 50%, bilang ito ay nananatiling mas epektibo kumpara sa online classes.