Inilabas na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang show-cause orders sa ilang mga local government units na nananatiling mabagal ang pamamahagi ng cash aid para sa mga biktima ng Bagyong Odette.
Ito’y matapos sabihin ni Interior Secretary Eduardo Año na tanging 78 percent palang ng financial aid ang naipamimigay sa mga lugar na tinamaan ng bagyo, dalawang buwan matapos ang pananalasa nito sa mga lugar sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Año, na batay sa taped address ni Pangulong Rodrigo Duterte, nasa P3.8 billion palang mula sa P4.86 billion halaga na allocated financial aid ang naipamamahagi sa typhoon hit areas.

Ang P3.8 billion na ayuda ay natanggap ng nasa 2.5 million beneficiaries.