NCRPO- Malaysian, 4 Chinese narescue mula sa mga abductors

Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na narescue ang isang Malaysian at apat na Chinese mula sa kanilang mga kidnappers.

Ayon sa NCRPO, nagawang marescue ng Regional Special Operations Group (RSOG) ang mga foreign nationals mula sa kanilang abductors sa isang residential area sa bahagi ng A. Mabini Street sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Ginawa ng RSOG operatives ang rescue operation, matapos magreport ang mga kaibigan ng mga biktima sa mga otoridad na dinukot ang mga foreign nationals at ilegal na ikinulong.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Hindi naman malinaw kung bakit dinukot ang mga ito, habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon. //MHEL PACIA-TRINIDAD