NCR resto owners, pursigidong taasan ang papayagan sa dine-in capacity

Handa ang mga restaurant owners sa Metro Manila na maghintay para sa lalo pang pagluluwag ng pandemic restrictions na magpapahintulot sa kanila na taasan ang kanilang dine-in capacity at mabawasan ang kalugian.

Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 4, kung saan pinapayagan na ang alfresco dining sa mga restaurants at eateries sa 30 percent venue capacity.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, ang indoor dining naman ay pinapayagan sa 10 percent capacity at sisilbihan lang ang mga fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ayon kay Eric Teng, presidente ng Restaurant Owners of the Philippines, na nais ng industriya na taasan ang capacity para payagan ang mas marami pa nilang empleyado na makabalik sa trabaho.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sa gitna nito, kinikilala rin ng mga restaurant na ang muling pagbubukas ng mga industriya ay kailangan gawi ng dahan-dahan para mabawasan ang risk ng COVID-19 transmission, kaya kontento na muna sila ngayon sa 10% capacity, kaysa sa wala.