FDA: Ilang local factories, maaring makapasa sa standards para sa ‘fill and finish’

Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na may ilang local factories na maaring gamitin sa fill and finish service para sa mga bakunang target ng gobyerno.

Ayon kay FDA general managrer Eric Domingo, matapos nito, kung hindi na kakailanganin ang COVID-19 vaccines, nais umano ng gobyerno na mag-branch out sila sa iba pang mga bakuna na magagamit sa regular vaccination programs.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Dagdag ni Domingo, lahat ng bakuna na kasalukuyang ginagamit sa bansa ay imported.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Hindi naman sinabi ng FDA chief kung aling mga factories ang ikokonsidera.

Una nang sinabi ni Domingo na ang “fill and finish” ay nangangahulugang magdadala sa bansa ng ‘over bulk’ product at ire-repack ito locally para sa maliliit na vials, ampoules o syringes.