PH, nagtala ng 15,592 new COVID-19 cases; Active cases, bumaba sa 162K

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 15,592 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), dahilan para pumalo ang nationwide tally sa 2,417,419.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa apat na laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos.

Ayon sa DOH, bumaba naman ang bilang ng mga active cases sa 162,580, kung saan 92% dito ang mild, 3% ang asymptomatic, 1.5% ang severe, at 0.7% ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa gitna nito, inanunsyo ng DOH na tumaas ang total recoveries ng 24,059 sa 2,217,611.

Samantala, 154 naman ang mga bagong niatalang fatalities, dahilan para sumipa ang death toll sa 37,228.