NCR households, makakatanggap ng P1k- P4k aid re: Reimposition ng ECQ, pero…

Inihayag ng Malacañang na makakatanggap ng P1,000 hanggang P4,000 na cash aid ang mga low-income residents ng National Capital Region (NCR) dahil sa pagpapatuloy ng enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng COVID-19 pandemic mula August 6 hanggang 20.

Sa gitna nito, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi nga lang sila sigurado saan ito kukunin.

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Ayon kay Roque, inaasahan na tutukuyin ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) kung saan kukuha ng pondo para sa cash aid.

Samantala, sinabi naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naghahanap sila ng funding sources para sa posibleng tulong para sa mga workers na maapektuhan ng two-week ECQ sa Metro Manila.

Read More:  DOE open to proposal to remove VAT on electricity

Batay kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, hindi pa matukoy ng ahensya kung gagamitin nila ang available budget o hihingi ng karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management. // MHEL PACIA-TRINIDAD