Death toll mula sa Delta variant, umakyat na sa siyam – DOH

Umakyat na sa siyam ang bilang ng death toll mula sa mas nakakahawang Delta coronavirus variant, matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang isang karagdagang fatality.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang latest fatality ay local case.

Hindi naman ito nagbigay ng iba pang detalye.

Samantala, mula sa 216 Delta cases na naitala, 17 pa ang nananatiling active, kung saan 15 ang local at dalawa ay returning overseas Filipinos (ROFs).

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ang iba pang 190 cases ay nakarekober na mula sa COVID-19. // MHEL PACIA-TRINIDAD