NBI, iniimbestigahan dahil sa ‘sexy dancer’ sa Command Conference

Nangako si Justice Secretary Boying Remulla na may mananagot sa kontrobersyal na Command Conference ng National Bureau of Investigation (NBI) noong nakaraang linggo kung saan ay nakita sa viral video ang pagsayaw ng isang ‘sexy dancer’.

Sa viral video, makikita ang pagrampa ng isang babae sa kalagitnaan ng mid-year command conference ng NBI na ginanap sa Diamond Hotel sa Maynila noong June 29 at 30.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa pulong balitaan, sinabi ni Remulla na ang mga ganitong uri ng ‘misbehavior’ ay hindi niya kokonsentihin.

Sabi ng Kalihim, ipinag-utos na nila ang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kung maaalala, bago ang isyu na ito, una nang nasangkot sa isang kontrobersya ang NBI matapos ang makailang-beses na pagpapalaya sa detainee na si Jad Dera sa kanilang pasilidad.

Isiniwalat kahapon ni Dera sa pagdinig ng Senado na nagawa pa nitong magbakasyon sa Calatagan, Batangas; at nakapag-bulalo pa sa Tagaytay sa Cavite.