Boying: ‘We will spare no one!’ re: pagpapalaya kay Dera sa NBI facility

Nangako si Justice Sec. Boying Remulla na wala silang sasantuhin at palulusutin sa kontrobersyal na pagpapalabas ng detention facilty ng detainee na si Jad Dera.

Sa pulong balitaan, sinabi ng Kalihim na sisiyasatin nilang maigi ang naturang isyu.

Read More:  7-Eleven warns of possible legal action over intentional food tampering amid hotdog video

Titingnan daw kung sino bang mga opisyal ng DOJ at ng kanilang attached agency na National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpapayag na makalabas si Dera sa NBI facility.

Read More:  TRB orders NLEX to explain prolonged traffic caused by flooding in Pampanga

Kung maaalala – sa pagdinig ng Senado kahapon ay isiniwalat mismo ni Dera na makailang beses na siyang nakalabas ng kulungan.

Ibinahagi pa ng detainee na nakapagbakasyon pa siya sa Calatagan sa Batangas, at nakapag-bulalo pa sa Tagaytay sa Cavite. // LGD