NBI, itinangging inabuso raw nila ang mga suspek sa kaso ng mga nawawalang sabungero

Nanindigan ang National Bureua of Investigation (NBI) na walang katotohanan ang umano’y pang-aabuso nila sa dalawang mga suspek na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

Sa isang pahayag, kinontra nila ang isinampang kaso ng mga suspects dahil sa umano’y torture, pagtatanim ng ebidensya, at mga ‘gawa-gawang’ kaso laban sa mga ito.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Nagsampa ng reklamo si Joyce Manio sa Ombudsman laban sa limang NBI agents para sa pang-aabusi ‘di umano sa kaniyang ma anak na sina Nicacio at Nicholes.

Binugbuog daw sila, pinapirma ng mga dokumento, at tinaniman ng mga kontrabando.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon sa NBI, handa silang harapin ang reklamo at mga alegasyon sa nararapat na forum.

Ang dalawang mga suspect ay na-aresto noong Hunyo ng nakaraang taon para sa pagkawala ng mga sabong agents at workers sa Bulacan.
#