EDCA, posibleng matalakay sa US Defense chief visit sa bansa

Dumating na kagabi si United State Defense Secretary Lloyd Austin III upang kitain ang kanyang Philippine counterpart na si Defense Secretary Carlito Galvez Jr.

Bukod dito, sinabi rin ni Austin sa knayang twitter na makikipagpulong din siya sa iba pang senior leaders upang bumuo ng matibay na bilateral relationships, at upang mapag-uasapan ang saklaw ng mga security initiatives, at mga nais gawin para sa #freeandopenpacific.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ilan sa matatalakay sa pagpupulong ay ang Enhanced Defense Coorperation Agreement (EDCA), ang kasunduan sa pagitan ng US at Pilipinas simula pa noong 2014.

Ilan sa mga laman ng EDCA ay ang pagbibigay ng access sa mga US troops sa mga pasilidad ng Philippine military at pagbibigay rin ng karapatan sa mga ito na magtayo ng pasilidad.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Samantala, una nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ang mga requests at mungkahi kaugnay sa kasunduan ay pinag-aaralan pa.

Ito na ang ang ikalawang pagbisita ni Austin sa Pilipinas, kasunod noong pagdalaw nito noong 2021.
#