BFP naglagay ng motorist assistance Center sa kahabaan ng Maharlika Highway

CAMARINES NORTE- Naglagay ng motorist assistance center simula pa noong Sabado ang Bureau of Fire Protection sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.

Sa gitna ito ng inaasahang pagdami ng mga biyahero ngayong Semana Santa.

Makikita ang Fire Truck at ang mga nagmamandong personahe ng BFP.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon kay kay Fire Inspector Socorro Tabaniag, Municipal Fire Marshal ng naturang bayan, mag iikot umano ang kanilang Fire Truck para magbandilyo at magpalala sa mga tao sa ligtas na pagunita ng Semana Santa.

Nakatuon din ang pansin ng BFP sa mga pangunahing tourist destination sa naturang bayan tulad ng Mangcamagong at Taba- Taba na dinadagsa ng mga tao kapag ganitong panahon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Paalala ng opisyal sa mga aalis ng tahanan na siguraduhing walang maiiwang nakasinding kandila at mga nakasaksak na electrical appliances na posibleng maging dahilan ng sunog.

Tututukan din umano ngayon ng BFP ang pagbibigay ng kinakailangang asistensiya sa mga simbahan sa kanilang religious activities.