Gaganapin sa June 28 ang second-quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Sa kasalukuyan, hindi pa inaanunsyo ng Office of Civil Defense ang venue at scenario para sa NSED.
Una nang hinimok ni Defense Secretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council chair Gilberto Teodoro Jr. ang publiko na seryosohin ang naturang drill.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng kahandaan upang makapagligtas ng mga buhay.
Sa huli, patuloy na hinihikayat ng ahensya ang publiko na makiisa sa naturang life-saving activity.